Patakaran sa Privacy

Huling Binago: 12/22/2023

SAKLAW NG PATAKARANG ITO

Inilalarawan ng patakarang sa privacy na ito ang pagpoproseso ng impormasyong ibinibigay o kinokolekta sa aming mga site at application kung saan naka-post ang patakaran sa privacy na ito, ito man ay nasa aming mga digital na pag-aari o sa mga application na ginagawa naming available sa mga site o platform ng third-party. Inilalarawan din nito ang pagpoproseso ng impormasyon ng bisita na ibinibigay sa amin o kinokolekta namin sa mga aktwal naming pag-aari, gaya ng aming mga tindahan, theme park, resort, at cruise ship, o sa pamamagitan ng aming mga call center para sa bisita. Sinusunod namin ang patakarang ito sa privacy alinsunod sa naaangkop na batas sa mga lugar kung saan kami nag-ooperasyon. Sa ilang pagkakataon, maaari kaming magbigay ng mga karagdagang abiso tungkol sa privacy ng data sa ilang partikular na produkto, kasanayan, o rehiyon. Dapat basahin ang mga tuntuning iyon kasama ng patakarang ito.

Pakitandaang kapag nagbigay ka sa amin ng impormasyon sa pamamagitan ng isang site o platform ng third-party (halimbawa, sa pamamagitan ng aming mga application), maaaring kolektahin nang hiwalay ng site o platform ng third-party ang impormasyong ibinigay mo. Nasasaklawan ng patakaran sa privacy na ito ang impormasyong kinokolekta namin, at napapailalim sa mga kasanayan sa privacy ng site o platform ng third-party ang impormasyong kinokolekta ng site o platform ng third-party. Ang mga pinili mo para sa privacy sa site o platform ng third-party ay hindi mailalapat sa paggamit namin ng impormasyong nakolekta namin nang direkta sa pamamagitan ng aming mga application. Pakitandaan ding ang aming mga site at application ay maaaring naglalaman ng mga link ng iba pang site na hindi namin pagmamay-ari o kontrolado at wala kaming pananagutan para sa mga kasanayan sa privacy ng mga naturang site. Hinihikayat ka naming maging mapagmatyag kapag umaalis sa aming mga site o application at basahin ang mga patakaran sa privacy ng iba pang site na maaaring mangolekta ng personal mong impormasyon.

Kasama sa aming kumpanya ang maraming iba’t ibang brand. Kapag bumisita, namili, o gumawa ka ng account sa amin, o kapag gumamit ka ng aming mga site at application, kokontrolin ng isang miyembro ng The Walt Disney Family of Companies ang iyong impormasyon. Makikita rito ang listahan ng mga controller ng data.

Nangongolekta kami ng dalawang batayang uri ng impormasyon – personal na impormasyon (ayon sa depinisyon ng patakarang ito) at anonymous na impormasyon (ayon sa depinisyon ng patakarang ito) – at maaari kaming gumamit ng personal at anonymous na impormasyon para gumawa ng pangatlong uri ng impormasyon, ang pinagsama-samang impormasyon (may depinisyon din sa patakarang ito). Sa partikular, kinokolekta namin ang mga sumusunod:

  • Impormasyon sa pagpaparehistro na ibibigay mo sa amin kapag gumawa ka ng iyong account, sumali sa promosyon, o nag-link ng iyong profile sa isang site o platform ng third-party gamit ang iyong account sa pagpaparehistro, gaya ng iyong pangalan at apelyido, tinitirhang bansa, kasarian, petsa ng kapanganakan, email address, username, at password;
  • Impormasyon ng transaksyong ibibigay mo kapag humingi ka ng impormasyon, nakipag-ugnayan sa Mga Serbisyo para sa Bisita, o bumili, nagsauli, humiling, o nagpapalit ng produkto o serbisyo sa amin, gaya ng iyong postal address, numero ng telepono, at impormasyon sa pagbabayad;
  • Impormasyong ibinibigay mo sa mga pampublikong forum sa aming mga site at application, gaya ng mga pampubliko mong post;
  • Impormasyong ipinapadala nang personal o sa isang limitadong grupo gamit ang functionality namin sa pagmemensahe, pakikipag-chat, pag-post, o iba pang katulad nito, kung saan pinapahintulutan kami ng naaangkop na batas na mangolekta ng ganitong impormasyon;
  • Impormasyong nakukuha namin mula sa isang third party, gaya ng provider ng site o platform, tungkol sa paggamit sa aming mga application sa mga platform ng third-party o mga device;
  • Impormasyon ng lokasyon, kabilang ang impormasyon ng tumpak o tinatantiya na lokasyong ibinibigay ng mobile o iba pang device na nakikipag-ugnayan sa isa sa aming mga site, aplikasyon, o aktwal na pag-aari (kasama na ang sa pamamagitan ng mga teknolohiya ng beacon), o impormasyong nauugnay sa iyong IP address o iba pang online na identifier o identifier ng device, kung saan pinapahintulutan kami ng batas na iproseso ang ganitong impormasyon; 
  • Impormasyon ng aktibidad tungkol sa iyong paggamit, at ang paggamit ng sinumang (mga) tao na pinahintulutan mo sa pamamagitan ng iyong account (halimbawa, sa pamamagitan ng paggawa ng mga profile sa ilalim ng iyong Disney+ o Hulu na account), ng aming mga site at aplikasyon, gaya ng nilalaman na iyong nakikita o post, gaano kadalas mo ginagamit ang aming mga serbisyo, at ang iyong mga kagustuhan; 
  • Data ng paggamit, data ng pagtingin, teknikal na data, at data ng device kapag bumisita ka sa aming mga site, gumamit ng aming mga application sa mga site o platform ng third-party, o nagbukas ng mga email na ipinadala namin, o kumonekta sa aming wireless na serbisyo sa Internet access at iba pang katulad na teknolohiya, kabilang ang uri ng browser o device mo, natatanging identifier ng device, at IP address;
  • Mga still o video na larawang nakunan ng mga camera o reader sa mismong mga aktwal naming ari-arian o sa paligid ng mga ito; at
  • Mga recording ng tawag kapag tinawagan mo ang aming mga center para sa pagpapareserba o mga numero ng telepono ng iba pang serbisyo para sa bisita.
  • Kinokolekta namin ang impormasyong ibinibigay mo sa amin kapag ikaw ay humiling o bumili ng mga produkto, serbisyo, o impormasyon sa amin, nagparehistro sa amin (kabilang kapag nag-link ka ng iyong profile sa isang site o platform ng third-party gamit ang iyong account sa pagpaparehistro), sumali sa mga pampublikong forum o iba pang aktibidad sa aming mga site at application, sumagot sa mga survey para sa bisita, bumisita sa aming mga aktwal na ari-arian, tumawag sa aming mga center para sa pagpapareserba o mga numero ng telepono ng iba pang serbisyo para sa bisita, o kapag nakipag-ugnayan ka sa amin gamit ang isa o higit pang device. Maaari kang magbigay ng impormasyon sa iba’t ibang paraan, kabilang ang pag-type o paggamit ng mga voice command.
  • Nangongolekta kami ng impormasyon sa pamamagitan ng iba’t ibang teknolohiya, gaya ng cookies, Flash cookies, mga pixel, mga tag, mga software development kit, mga application program interface, at mga Web beacon, sa mga pagkakataon tulad ng pagbisita mo sa aming mga site at application o paggamit mo ng aming mga application sa mga site at platform ng third-party gamit ang isa o higit pang device, naka-log in o nakarehistro ka man o hindi. Pakibisita ang Online na Pagsubaybay at Pag-advertise para sa higit pang impormasyon, kabilang ang tungkol sa Do Not Track at kung paano mag-disable ng cookies at gumawa ng mga desisyon tungkol sa naturang pangongolekta ng data.
  • Nangongolekta kami ng impormasyon gamit ang mga tool sa analytics, sa mga panahon tulad ng pagbisita mo sa aming mga site at application o paggamit mo sa aming mga application sa mga site o platform ng third-party.
  • Kumukuha kami ng impormasyon mula sa iba pang pinagkakatiwalaang source para i-update o dagdagan ang impormasyong ibinibigay mo sa amin o nakokolekta namin nang awtomatiko, tulad ng kapag nagva-validate kami ng impormasyon tungkol sa postal address gamit ang mga serbisyo ng third party.  Maaaring hingin sa iyo ng naaangkop na batas na payagan ang third party na ibahagi sa amin ang iyong impormasyon bago namin ito makuha.

Ang miyembro ng The Walt Disney Family of Companies na controller ng data ng iyong impormasyon ang responsable para sa iyong impormasyon at maaari niya itong gamitin para sa mga layuning inilarawan sa patakarang ito. Maaaring i-access ng iba pang miyembro ng The Walt Disney Family of Companies ang iyong impormasyon kung saan sila nagsasagawa ng mga serbisyo para sa mga controller ng data (bilang mga tagaproseso ng data), at maliban na lang kung ipinagbabawal ng naaangkop na batas, para magamit nila ito (bilang mga controller ng data) para sa mga layuning inilarawan sa patakarang ito. Alinsunod sa naaangkop na batas at mga opsyon at kontrol na posibleng available sa iyo, maaari naming gamitin ang impormasyong kinolekta mula sa iyo, o mula sa mga device na nauugnay sa iyo, para sa mga sumusunod:

  • Maibigay sa iyo ang mga karanasan, produkto, at serbisyong hinihiling, tinitingnan, ginagamit, o binibili mo;
  • Makipag-ugnayan sa iyo tungkol sa iyong account o mga transaksyon sa amin at magpadala sa iyo ng impormasyon o humiling sa iyo ng feedback tungkol sa mga feature na nasa aming mga site at application o mga pagbabago sa aming mga patakaran;
  • Padalhan ka ng mga alok at promosyon para sa aming mga produkto at serbisyo o mga produkto at serbisyo ng third-party;
  • Mag-personalize ng mga content at karanasan;
  • Bigyan ka ng naka-target na pag-advertise batay sa iyong mga aktibidad sa aming mga site at application at sa mga site at application ng third-party;
  • Paganahin, maunawaan, i-optimize, i-develop, o pahusayin ang aming mga site, application, produkto, serbisyo, at operasyon, kabilang ang paggamit ng pananaliksik na survey para sa bisita at mga tool ng analytics; at
  • Ma-detect, maimbestigahan, at mapigilan ang mga aktibidad na maaaring makalabag sa aming mga patakaran, makapagdulot ng mga isyu sa kaligtasan, o maging mapanloko o ilegal; at
  • Maabisuhan ka tungkol sa mga pagbawi ng produkto (product recall) o isyu sa kaligtasan.

Hindi namin ibabahagi ang iyong personal na impormasyon sa ikatlong partido sa labas ng The Walt Disney Family of Companies maliban na lang sa mga limitadong sitwasyon na kinabibilangan ng mga sumusunod:

  • Kapag pinayagan mo kaming ibahagi ang iyong personal na impormasyon sa ibang kumpanya, sa pamamagitan ng pagpili na maibahagi ang iyong personal na impormasyon sa mga kumpanyang maingat na pinili para mapadalhan ka nila ng mga alok at promosyon tungkol sa kanilang mga produkto at serbisyo;
  • Kapag inatasan mo kaming ibahagi ang iyong personal na impormasyon sa ibang kumpanya para maisakatuparan ang iyong kahilingan, gaya ng mga sumusunod:
    • Kapag nagpa-book ka ng mga package sa biyahe sa amin na kinabibilangan ng mga produkto o serbisyo na ibinibigay ng mga kasosyong ikatlong partido, gaya ng mga airline, provider ng transportasyon sa lupa, ikatlong partido na hotel, at provider ng insurance sa biyahe; at
    • Kapag nagpa-book ka ng mga pagpapareserba sa pagkain sa labas sa pamamagitan namin para sa mga restawran na pinapatakbo ng mga ikatlong partido.
  • Kapag inatasan mo kaming ibahagi ang iyong personal na impormasyon sa mga site o platform ng ikatlong partido, gaya ng mga site ng social networking.
  • Kapag nakikipagtulungan kami sa mga provider ng serbisyo na nagsasagawa ng mga serbisyo sa ngalan namin; gayunpaman, pinagbabawalan ang mga kumpanyang ito na gamitin ang iyong personal na impormasyon para sa mga layuning bukod sa hiniling namin o sa iniaatas ng batas;
  • Kapag binibigyan ka namin ng nauugnay na advertising sa mga site at application ng ikatlong partido, posibleng magbahagi kami ng limitadong personal na impormasyon tungkol sa iyo, gaya ng ilang partikular na identifier o naka-hash na email address, sa mga ikatlong partido. Posibleng ibahagi rin namin ang naturang impormasyon para mabigyan ka ng at para masukat ang nauugnay na advertising ng ikatlong partido sa aming mga site at application. Para matuto pa tungkol sa kung paano namin ginagamit ang iyong impormasyon para sa pag-personalize at pagsubaybay, mangyaring bisitahin ang Mga Online na Teknolohiya sa Pagsubaybay at Pag-advertise.
  • Kapag nakikipagtulungan kami sa mga pinansyal na institusyon para mag-alok ng mga co-branded na produkto o serbisyo sa iyo, gaya ng aming co-branded na Disney Rewards Visa Card; gayunpaman, gagawin lang namin ito kapag pinapahintulutan ng naaangkop na batas, at sa mga ganitong pagkakataon, pinagbabawalan ang mga pinansyal na institusyon na gamitin ang iyong personal na impormasyon para sa mga layuning maliban sa mga nauugnay sa mga co-branded na produkto o serbisyo;
  • Kapag nagbigay ka ng personal na impormasyon sa National Geographic Partners, isang joint venture sa pagitan ng The Walt Disney Company at National Geographic Society, maaaring ibahagi ng National Geographic Partners ang impormasyong iyon sa National Geographic Society, at kapag naibahagi na ang impormasyon, kokontrolin ito ng National Geographic Society at mapapailalim sa patakaran sa privacy nito;
  • Kapag ginamit mo ang serbisyo ng Hulu, maaaring magbahagi ang Hulu ng impormasyon sa mga kasosyo nito sa negosyo na tumutulong sa pag-aalok ng serbisyo ng Hulu, kabilang ang, halimbawa, mga programmer ng content nito, mga distributor at kasosyo ng device, at mga may-ari ng korporasyon; nang may pahintulot mo, maaari ring ibahagi ng Hulu ang iyong impormasyon sa panonood kasama ng ilang partikular na personal na impormasyon sa mga ito at sa iba pang ikatlong partido;
  • Kapag ibinahagi namin ang iyong personal na impormasyon sa mga ikatlong partido kaugnay ng pagbebenta ng isang negosyo, para mapatupad ang aming Mga Tuntunin ng Paggamit o mga patakaran, para matiyak ang kaligtasan at seguridad ng aming mga bisita at ikatlong partido, para maprotektahan ang aming mga karapatan at pag-aari at ang mga karapatan at pag-aari ng aming mga bisita at ikatlong partido, para sumunod sa mga legal na proseso, o sa ibang pagkakataon, kung may maganda kaming loob na paniwalaang hinihingi ng batas ang paghahayag.
  • Mangyaring tandaan na sa sandaling ibahagi namin ang iyong personal na impormasyon sa ibang kumpanya ayon sa mga sitwasyon sa itaas, ang impormasyong matatanggap ng ibang kumpanya ay kokontrolin ng kumpanyang iyon at mapapailalim ito sa mga kasanayan sa pagkapribado ng kabilang kumpanya, maliban na lang kung iba ang nakasaad sa itaas.

Binibigyan ka namin ng kakayahang magkaroon ng ilang partikular na kontrol at opsyon kaugnay ng aming pangongolekta, paggamit, at pagbabahagi ng iyong impormasyon. Ayon sa naaangkop na batas, maaaring kabilang sa iyong mga kontrol at opsyon ang mga sumusunod:

  • Pagwawasto, pag-update, at pag-delete ng iyong account sa pagpaparehistro;
  • Pagpili o pagpapalit ng iyong mga opsyon para sa mga subscription, newsletter, at alerto;
  • Pagpili kung tatanggap ba mula sa amin ng mga alok at promosyon para sa aming mga produkto at serbisyo, o mga produkto at serbisyong sa tingin namin ay kaiinteresan mo;
  • Pagpili kung ibabahagi namin ang iyong personal na impormasyon sa iba pang kumpanya para mapadalhan ka nila ng mga alok at promosyon tungkol sa kanilang mga produkto at serbisyo;
  • Pagkontrol sa naka-target na pag-advertise sa pamamagitan ng pag-click sa “Huwag Ibenta o Ibahagi ang Aking Personal na Impormasyon” o “Pamahalaan ang Mga Setting ng Iyong Cookie” sa mga footer ng website o mga setting ng application namin;
  • Pagkontrol sa naka-target na pag-advertise mula sa maraming network ng ad at partner; at mga provider ng analytics sa marketing at digital na pag-advertise at serbisyo sa marketing (sa pamamagitan ng pagbisita sa Digital Advertising Alliance);
  • Pagpili sa pagkontrol sa naka-target na pag-advertise na natatanggap mo sa mga application sa pamamagitan ng paggamit ng mga setting at opsyong ginawang available para sa iyo sa (mga) device mo, halimbawa, sa pamamagitan ng pag-opt out sa mga ad na nakabatay sa interes;
  • Pagpili na limitahan ang pakikilahok sa Nielsen digital measurement research (para sa mga hindi Panelist);
  • Pagpili na limitahan ang pakikilahok sa Nielsen Digital Ad Ratings kapag tinitingnan ang Hulu sa ilang partikular na aparato at mobile application sa sala sa pamamagitan ng pag-log in sa Hulu sa iyong kompyuter at pag-click sa “Pamahalaan ang Pagsukat ng Nielsen” sa iyong page ng Account sa Hulu;
  • Pagpili na limitahan ang pakikilahok sa Nielsen Digital Ad Ratings (sa mga merkado kung saan ito available) kapag tinitingnan ang Disney+ sa ilang partikular na aparato at mobile application sa sala sa pamamagitan ng pag-log in sa Disney+ sa iyong kompyuter at pag-click sa “Pamahalaan ang Pagsukat ng Nielsen” sa iyong page ng Account sa Disney+.
  • Pamamahala sa iyong mga kagustuhan sa Hulu tungkol sa pagbabahagi ng iyong impormasyon sa panonood kasama ang ilang partikular na personal na impormasyon sa pamamagitan ng pag-log in sa Hulu sa iyong kompyuter, pagpunta sa mga setting ng iyong account, at pag-edit ng iyong profile;
  • Paghiling na alisin ang iyong personal na impormasyon mula sa isang pampublikong forum sa isa sa aming mga site o application; at
  • Paghiling ng access sa personal na impormasyong mayroon kami tungkol sa iyo at paghiling na baguhin o tanggalin namin ito.

Maaari mong gamitin ang mga kontrol at opsyong ito sa iba’t ibang paraan, kabilang ang mga nakabalangkas sa itaas, o sa pamamagitan ng pagbisita sa Communication Choices (sa ilalim ng tab na Mga Kontrol sa Privacy), pakikipag-ugnayan sa Guest Services, o sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tagubiling ibinigay sa mga komunikasyong ipinadala sa iyo. Maaari ka ring mag-opt out sa mga naka-target o nakabatay sa interes na ad sa pamamagitan ng pagbisita sa Digital Advertising Alliance o European Interactive Digital Advertising Alliance o paggamit sa mekanismo sa pag-opt out sa link na “Mga Ad na Nakabatay sa Interes” sa footer ng site na binibisita mo.

Mangyaring tandaan na kung hindi mo kami papayagang mangolekta ng personal na impormasyon mula sa iyo, maaaring hindi kami makapaghatid ng ilang partikular na karanasan, produkto, at serbisyo sa iyo, at maaaring hindi maisaalang-alang ng ilan sa aming mga serbisyo ang iyong mga interes at gusto. Kung mandatoryo ang pangongolekta ng personal na impormasyon, lilinawin namin iyon kapag mangongolekta na kami para makapagsagawa ka ng may-kabatirang pagpapasya kung lalahok ka o hindi. Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa partikular na personal na impormasyon tungkol sa iyo na pinoproseso o pinapanatili namin, at tungkol sa iyong mga karapatan kaugnay ng personal na impormasyong iyon, mangyaring makipag-ugnayan sa Guest Services.

Kinikilala namin ang pangangailangang makapagbigay ng higit na proteksyon sa privacy kaugnay ng personal na impormasyong maaari naming kolektahin mula sa mga bata sa aming mga site at application. May limitasyon sa edad ang ilan sa mga feature sa aming mga site at application kaya hindi ito magagamit ng mga bata, at hindi namin sinasadyang mangolekta ng personal na impormasyon mula sa mga bata kaugnay ng mga feature na iyon. Kapag plano naming mangolekta ng personal na impormasyon mula sa mga bata, nagsasagawa kami ng mga karagdagang hakbang para protektahan ang privacy ng mga bata, kabilang ang mga sumusunod:

  • Pagbibigay ng abiso sa mga magulang tungkol sa mga kasanayan namin sa impormasyon hinggil sa mga bata, kabilang ang mga uri ng personal na impormasyong maaari naming kolektahin mula sa mga bata, para saan namin maaaring gamitin ang naturang impormasyon, at kung ibabahagi ba namin ang naturang impormasyon at kung kanino;
  • Alinsunod sa naaangkop na batas, at sa aming mga kasanayan, paghingi ng pahintulot mula sa mga magulang para mangolekta ng personal na impormasyon mula sa kanilang mga anak, o para direktang magpadala sa kanilang mga anak ng impormasyon tungkol sa aming mga produkto at serbisyo;
  • Paglilimita sa pangongolekta namin ng personal na impormasyon mula sa mga bata sa hindi hihigit sa kung ano lang ang nararapat para makalahok sila sa isang online na aktibidad; at
  • Pagbibigay sa mga magulang ng access o kakayahang humingi ng access sa personal na impormasyong nakolekta namin mula sa kanilang mga anak at kakayahang hilinging baguhin o i-delete ang naturang personal na impormasyon.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa aming mga kasanayan sa United States pagdating sa personal na impormasyon ng mga bata, pakibasa ang aming Patakaran sa Privacy ng Mga Bata (English).

Lubos na mahalaga para sa amin ang seguridad, integridad, at pagiging kumpidensyal ng iyong impormasyon. Nagpapatupad kami ng mga teknikal, pang-administratibo, at pisikal na hakbang panseguridad na idinisenyo para protektahan ang impormasyon ng bisita mula sa mga hindi pinapahintulutang pag-access, paghahayag, paggamit, at pagbabago. Palagi naming sinusuri ang mga proseso namin sa seguridad para maisaalang-alang ang mga naaangkop na bagong teknolohiya at pamamaraan. Pakitandaang sa kabila ng lahat ng aming ginagawa, walang hakbang panseguridad na perpekto o kaya ay walang butas. Itatabi namin ang iyong personal na impormasyon sa loob ng panahon na kinakailangan namin upang magawa ang mga layuning nakasaad sa patakarang ito sa privacy, maliban kung kinakailangan o pinahihintulutan ng batas ang mas mahabang panahon sa pagtatabi nito.

Pandaigdigan ang operasyon namin at maaari naming ilipat ang iyong personal na impormasyon sa mga indibidwal na kumpanya ng The Walt Disney Family of Companies o mga third party sa mga lokasyon sa buong mundo para sa mga layuning inilarawan sa patakaran sa privacy na ito. Sa tuwing ililipat, iso-store, o ipoproseso namin ang iyong personal na impormasyon, magsasagawa kami ng mga makatuwirang hakbang para protektahan ang privacy ng iyong personal na impormasyon. Maaaring kasama sa mga hakbang na ito ang pagpapatupad ng mga karaniwang clause sa kontrata (standard contractual clause) kapag kinikilala ng batas, paghingi ng iyong pahintulot, o iba pang hakbang sa paglilipat ng personal na impormasyon na naaayon sa batas.

Paminsan-minsan, maaari naming baguhin ang patakaran sa privacy na ito para mabigyang-daan ang mga bagong teknolohiya, kasanayan sa industriya, kinakailangan sa regulasyon, o para sa iba pang dahilan. Aabisuhan ka namin kapag mahahalaga ang mga pagbabago, at hihingin namin ang iyong pahintulot kapag kinakailangan ng naaangkop na batas. Maaari kang abisuhan sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa pinakahuling email address na ibinigay mo sa amin, pag-post ng abiso ng mga naturang pagbabago sa aming mga site at application, o iba pang paraan, alinsunod sa naaangkop na batas.

Kung may komento ka o tanong tungkol sa patakaran sa privacy na ito, mangyaring makipag-ugnayan sa Mga Serbisyo sa Bisita.

Paunawa sa mga residente ng US: Kung isa kang residente ng US, maaari kang magkaroon ng ilang partikular na dagdag na mga karapatan sa pagkapribado. Bisitahin ang aming page na Your US State Privacy Rights para sa higit pang impormasyon.

Paalala sa Mga Residente ng UK at EU: Kung isa kang residente ng UK o EU, maaaring may ilang partikular kang dagdag na karapatan sa privacy. Bisitahin ang aming page na Mga Karapatan sa Privacy ng UK at EU para sa higit pang impormasyon.

Para sa mga residente ng mga bansa sa Gitnang Silangan, Afrika, at mga bansa sa Europa na hindi bahagi ng EU, bisitahin ang aming page na Mga Karapatan sa Pagkapribado ng EMEA para sa higit pang impormasyon.

Paalala sa Mga Residente ng Brazil: Kung isa kang residente ng Brazil, maaaring may ilang partikular kang dagdag na karapatan sa privacy. Bisitahin ang aming page na Proteksyon ng Data sa Brazil para sa higit pang impormasyon.

Bumalik sa Itaas back-to-top